Isang Oras Ng Kasiyahan, Siyam Na Buwan Ng Paghihirap (filipino)

Published: 2021-09-12 17:15:10
essay essay

Category: History Other

Type of paper: Essay

This essay has been submitted by a student. This is not an example of the work written by our professional essay writers.

Hey! We can write a custom essay for you.

All possible types of assignments. Written by academics

GET MY ESSAY
Isang Oras ng Kasiyahan, Siyam na Buwan ng Paghihirap at Dalawang Nasirang Buhay

Patrick Jayver Ds. Vicente HF-16


Dumidilim ang paningin ni Maria. Hilong-hilo siya. Parang gusto na niyang himatayin sa sobrang pagkahilo. Tinawag ng guro ang kanyang pansin.

"Maria, ayos lang ba ang iyong pakiramdam?" nag-aalalang tanong ng professor na nagtuturo

"Ma'am, maari po ba akong tumungo sa klinika? Medyo nahihilo po ako." hinang-hinang paalam ni Maria.

"Gusto mo ba pasamahan kita sa block president ng klase? O kaya mo ng mag-isa pumunta?"

"Ma'am kaya ko pa po."

Pinayagan siyang lumabas. Maririnig mo ang iba't ibang reaksyon mula sa kanyang mga kaklase. May mga nag-aalala kasi hindi naman karaniwang nahihilo si Maria sa klase. May mga nangangantiyaw naman na baka nagdadalang tao na si Maria kasi nataong nagtuturo tungkol sa panganib na maaring idulot ng Premarital Sex. Ngunit hindi na lamang pinansin ni Maria ang mga reaksyong iyon. Hihilo-hilo siyang naglakad na tila isang hipan na lamang ng hangin ang kailangan para matumba siya. Habang naglalakad siya, naramdaman niyang nasusuka siya. Dali-dali siyang tumungo sa malapit na CR, yumuko sa lababo at sumuka ng pagkarami-rami. Habang inilalabas niya ang kanyang mga nakain, lumuluha siya ng lumuluha. Matapos ay pinawi niya ang kanyang mga luha at humarap sa salamin. Nakita niya ang kanyang sarili. Nagpapawis ng butil-buti ang kanyang katawan. Ngarag na ngarag ang hitsura na tila ba nagehersisyo ng sampung oras. Unti- unti muling pumatak ang maiinit niyang luha habang pinaniniwala ang sariling, "Hindi ito totoo!"

Malalim na ang gabi. Tulog na ang buong siyudad. Halos wala ng tao sa kalsada ng Mahinhin. Pero tila may liwanag pang naglalakad sa madilim na parang ng Mahinhin. Dalawang pobreng magkasintahang naghaharutan at nag-uusap ng matatamis ang bumuhay sa patay na gabi. Galing sa isang kasiyahan sina Jose at Maria. Kaarawan kasi ng isa ka-block ni Maria. Buong gabi silang nagkantahan at nag-inuman. Palagi nila itong ginagawang magkakaklase tuwing may selebrasyon ngunit ngayong gabi lang sila inabot ng siyam-siyam. At hindi pa tapos ang selebrasyon nilang dalawa.

"Alam mo Maria, wiwi ka ba?" biglang hirit ni Jose kay Maria habang nakatitig ito sa mga mata ng babae.
"Kadiri ka Jose, pero bakit?" nangingiting tanong ni Maria.
"Kinikilig kasi ako tuwing lumalabas ka eh."
"Ikaw talaga Jose, ang sweet sweet mo." ani ni Maria habang pinipisil ang pisngi ni Jose.
" Maria, may ibibigay ako sa iyo kaya lang wala ditto eh. Nasa condo ko. Sama ka na lang sa akin." yaya ni Jose.

Warning! This essay is not original. Get 100% unique essay within 45 seconds!

GET UNIQUE ESSAY

We can write your paper just for 11.99$

i want to copy...

This essay has been submitted by a student and contain not unique content

People also read